Panibagong bagyo nakapasok sa bansa pinangalanang Isang ng PAGASA
Isang panibagong tropical depression ang nakapasok sa bansa.
Ang bagyo na pinangalanang Isang ng PAGASA ay huling namataan sa layong 1,630 km Silangan ng Central Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.
Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa na direktang makaapekto ang bagyo saanmang panig ng bansa.
Mananatili din itong malayo sa kalupaan ng bansa at sa araw ng Linggo ay posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility. (DDC)