Pangulong Duterte nakasailalim sa quarantine matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive

Pangulong Duterte nakasailalim sa quarantine matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive

Nakasailalim sa quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte matapos malantad sa isang COVID-19 positive.

Kinumpirma ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na na-expose ang pangulo sa isang household staff na nagpositibo sa COVID-19.

Negatibo naman ang resulta ng COVID-19 test ng pangulo, pero tatapusin nito ang mandatory quarantine protocols.

Tiniyak naman ni Nograles na patuloy na gagampanan ng pangulo ang kaniyang tungkulin habang naka-quarantine.

Tuloy aniya ang komunikasyon ng pangulo sa mga miyembro ng gabinete. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *