Pangulong Duterte iniutos na bigyan ng maraming bakuna ang mga rehiyon na may mataas na kaso ng COVID-19

Pangulong Duterte iniutos na bigyan ng maraming bakuna ang mga rehiyon na may mataas na kaso ng COVID-19

Pinararamihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalaan ng mga bakuna sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing na bibigyang prayoridad ang Regions 6, 10 at 11.

Sa sandali aniyang may dumating ng mga bagong suplay ng bakuna sa bansa ay agad na ibibigay sa iba’t ibang rehiyon.

Sa buwan ng Agosto mayroong 15 million doses ng bakuna ang darating sa Pilipinas

Kung magtutuluy-tuloy ang pagdating ng suplay ng bakuna, sinabi ni Densing na magiging wala nang magiging hadlang sa malawakang vaccination program ng bansa.

Naka-sentro aniya ang pamahalaan na maabot ang target na mabakunahan ang 70 percent na populasyon sa mga susunod na buwan. (Faith Dela Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *