Pangulong Duterte hindi hahayaang tumestigo ang PSG kaugnay sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine

Pangulong Duterte hindi hahayaang tumestigo ang PSG kaugnay sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Security Group chief, Brig. Gen. Jesus Durante III at mga tauhan nito na tumestigo sa Kamara sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa pagpapabakuna ng mga PSG laban sa COVID-19.

Ayon sa pangulo, ginawa lang ng PSG ang pagpapabakuna para sa kapakanan ng kanilang buhay.

Babala pa ng pangulo sa Kamara, huwag pwersahin ang PSG na humarap sa imbestigasyon.

Sinabi ng pangulo na papayuuhan niya ang PSG na huwag magsalita, at igiit ang “right to self-incrimination”.

“I would not allow them to appear, I am not allowing Durante and the rest of PSG to testify. I would ask the PSG to just shut up do not answer and invoke the right against self incrimination at wala kayong makukuha.
Do not force my soldiers to testify against their will,” ayon sa pangulo

Babala pa ng pangulo sa Kongreso, huwag ico-contempt o ipakukulong ang PSG.

“Huwag ninyong i-contempt contempt, i-detain ninyo. I do not think it will be good for you and for me. Sa kanila ‘yan e, kung tingin nila ikakabuti ng buhay nila hayaan mo,” ayon pa sa pangulo. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *