Pang. Duterte iniutos na panatilihin ang 1-meter physical distancing sa PUVs
Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang isang metrong distansya sa pagitan ng mga pasahero na sumasakay sa mga pampubliko g transportasyon.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa inilabas na pahayag.
“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte decided to maintain the one-meter physical distancing in public transportation,” ani Roque.
Maliban sa pagpapanatili ng 1-meter physical distancing, mahalaga ding sinusunod ng mga commuter ang iba pang health protocols.
Kabilang dito ayon kay Roque ang pagsusot ng face mask/shield at hindi pagsasalita at pagkain sa loob ng anumang public mode of transport. (END)