Pamunuan ng Quiapo Church, MPD handa na para sa Kapistahan ng Black Nazarene sa Sabado
Handa na ang lahat para sa Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa Sabado, January, 9.
Humarap sa pulong balitaan ang mga opisyal ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pangunguna ni Msgr. Hernando Colonel at Manila Police District sa pangunguna ni Police Brig. Gen. Leo Francisco.
Tiniyak ng mga opisyal na mahigpit na ipatutupad ang health protocols ngayong may pandemya ng COVID-19.
Ayon kay Colonel, ang tatlong simbahan na magdaraos ng mga misa ay tatanggap lamang ng 1/3 ng kapasidad ng mga ito.
Magsasagawa din ng 15 misa sa mismong araw ng Pista, at 6,000 deboto lamang ang papayagang makapila.
Ang mga lalagpas sa 6,000 na hihikayating lumipat sa ibag simbahan gaya ng Sta. Cruz Parish at San Sebastian Church.
Isang oras bago ang unang misa sa Sabado ay papayagan na ang pagpila. (D. Cargullo)