Pamitinan Protected Landscape sa Rodriguez, Rizal bukas na sa publiko
Simula ngayong araw, February 22, 2021 muling binuksan sa publiko ang Pamitinan Protected Landscape sa Rodriguez, Rizal.
Base ito sa anunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Facebook Page.
Ayon sa abiso, bukas na sa publiko ang Pamitinan Protected Landscape kabilang ang Mt. Pamitinan, Mt. Binicayan at Mt. Hapunang Banoy (Banoi).
Papayagan ang mga turista na edad 15 hanggang 65 dahil ang Rodriguez ay nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Bukas na din ang online reservations para sa hiking at trekking.
Paalala ng DENR, ang lugar ay protected area kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakalat.
Inabisuhan din ang mga mamamasyal na sundin ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, paggamit ng sanitizers, at pagsunod sa physical distancing.