Pamilya ng nawawalang UP Law Professor umapela ng tulong
Umaapela ng tulong sa publiko ang pamilya ni University of the Philippines (UP) law professor Ryan Oliva.
Si Oliva ay nawawala simula pa noong Sabado, Nov. 21 ayon sa kaniyang pamilya.
Sa post sa Facebook ng kaniyang kapatid na si Randy Oliva hiniling nito sa publiko na ipagbigay alam sa mga otoridad kung makikita si Ryan.
Maaring tumawag sa numerong 0906-300-1009 kung may lead sa kinaroroonan ng professor.
Si Ryan ay nagtuturo ng legal history sa UP College of Law.
Maliban sa pagiging law professor, sya rin ay nagtatrabaho sa Legislative Liaison Unit ng the Department of Tourism.
Ayon naman sa DOT, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) hinggil sa pagkawala ni Ryan.