Pamahalaang lungsod ng Calbayog nagpatupad ng mas pinagaan na travel protocols

Pamahalaang lungsod ng Calbayog nagpatupad ng mas pinagaan na travel protocols

Inalis na ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Calbayog ang ilang mga rekisito sa mga biyahero na papasok sa siyudad.

Kabilang sa mga ito ay ang travel Authority na iniisyu ng Joint Task Force Covid-19 shield, maging ang Medical at Health Certificate.

Ito ang nakapaloob sa Executive order number 02 ni Calbayog City Mayor Ronald P. Aquino na ipinalabas araw ng Biyernes, March 5,2021.

Gayunman, nakasaad din sa kautusan ng alkalde na kinakailangang magpakita ng negatibong resulta ng rapid PCR test ang inbound travellers na nagmula sa labas ng eastern Visayas.

Ang negatibong resulta ng rapid PCR test ay dapat isinagawa sa loob lamang ng 72 kung saan ang takdang pagdating ng biyahero sa Lungsod ng Calbayog.

Sa kasalukuyan ay nasa mas maluwag na quarantine status ang Calbayog City kung saan umiiral ang Modified General Community Quarantine, pero iginiit sa Kautusan ng punong-lungsod na dapat ay panatilihin parin ang minimum Public Health Standards katulad ng isang metrong physical distancing, paghuhugas ng kamay, cough etiquette, pagsusuot ng face masks at face shields.

Tanging ang mga walang sintomas lamang at non-close contact ang papayagan na makapasok sa lungsod.

Mahigpit namang ipatutupad ang clinical at exposure assessment ng mga tauhan ng operations center o OPCEN sa lahat ng ports of entry.

Hindi na rin obligado na sumailalim sa quarantine ang mga biyahero papasok ng Calbayog maliban na lamang kung makitaan sila ng sintomas pagkadating sa lungsod o hindi makapagpapakita ng negatibong rapid PCR test result.

Ipagkakaloob naman sa travellers ang Certificats of coordination o acceptance kung kakailanganin ito mula sa kanilang point of origin.

Obligado naman ang lahat ng inbound na dumaan sa triage unit ng OPCEN sa sitio Talahib, Brgy. Trinidad para sa kaukulang screening pagkadating sa lungsod.

Ang naturang kautusan ng alkalde ay bilang pagtalima sa pinakabagong panuntunan ng National Inter-Agency Task Force for the management of emerging infectious diseases. (Ricky Brozas)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *