Pamahalaan nagpatupad na din ng travel ban sa UAE at Hungary
Isinama na ng pamahalaan sa sakop ng ipinatutupad na travel restrictions ang bansang United Arab Emirates (UAE) at Hungary.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, epektibo ito alas 12:01 ng madaling araw ng January 17, 2021 hanggang January 31, 2021.
Lahat ng dayuhang pasahero na galing o dumaan ng UAE at Hungary sa nakalipas na 14 na araw bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas ay hindi papayagang pumasok sa bansa.
Kung darating sila sa bansa bago mag alas 12:01 ng madailng araw ng January 17, 2021 ay papayagan pa silang pumasok sa bansa pero sasailalim sila sa absolute facility-based 14-day quarantine period kahit negatibo ang kanilang RT-PCR test result.
Ang mga Filipino citizens na galing o dumaan sa dalawang bansa ay hindi sakop ng travel ban ay sasailalim din sa istriktong 14 na araw na quarantine kahit negatibo ang COVID-19 test result.