Pamahalaan aalamin kung kailangang magpatupad ng travel ban sa Hong Kong

Pamahalaan aalamin kung kailangang magpatupad ng travel ban sa Hong Kong

Pag-aaralan ng pamahalaan kung kakailanganing magpatupad ng travel ban sa Hong Kong.

Kasunod ito ng nararanasang 5th wave ng COVID-19 sa Hong Kong dahil sa Omicron variant.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III maraming senior citizen sa Hong Kong ang hindi pa bakunado.

Problema aniya sa Hong Kong ang pagtanggi ng mga nakatatanda doon na magpabakuna kontra COVID-19.

Malaking bilang aniya ng mga naospital sa Hong Kong ay pawang senior citizens.

Nananatili naman ayon kay Duque ang polisiya ng pamahalaan na kailangang may negatibong resulta ng COVID-19 test ang mga biyaherong papasok sa bansa.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *