Paluan, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 22 kilometers northwest ng bayan ng Paluan ala 1:12 ng hapon ngayong Biyernes, January 29.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 9 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity III – Paluan, Looc, and Lubang, Occidental Mindoro
Intensity II – City of Manila; Malabon City; Pasig City
Intensity I – Quezon City (D. Cargullo)