PAL magbabawas ng 2,300 na mga empleyado
Aabot sa 2,300 na mga empleyado ang isasailalim sa retrenchment ng Philippine Airlines.
Sa pahayag ng PAL, bahagi ito ng kanilang comprehensive recovery plan dahil sa epekto ng COVID-19.
Ang workforce reduction program ng PAL ay kapapalooban ng voluntary separation at involuntary retrenchment.
Ang mga apektadong empleyado ay mananatili sa kanilang trabaho hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Marso 2021.
Patuloy din silang makatatanggap ng sweldo at benepisyo hanggang sa nasabing petsa.