Pagtatayo ng OFW Hospital iniutos ni Pangulong Duterte
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng Overseas Filipino Workers (OFW) hospital.
Sa bisa ng Executive Order No. 154, ipinag-utos ng pangulo ang pagtatayo ng OFW hospital, gayundin ang Inter-Agency Committee on the OFW Hospital (ICOH).
Ang ICOH ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) at co-chairman ang kalihim ng Department of Health (DOH).
Sa statement, sinabi ni acting presidential spokesman, Cabinet Secretary Karlo Nograles, na long overdue na bilang pagkilala sa kontribusyon ng Filipino Migrant Workers sa ekonomiya at sa bansa, ang pagtatayo ng specialty hospital para lamang sa mga OFW. (Infinite Radio Calbayog)