Pagtatanggol ni HS Velasco sa Makabayan Bloc sa isyu ng red tagging pinuna ng DDS

Pagtatanggol ni HS Velasco sa Makabayan Bloc sa isyu ng red tagging pinuna ng DDS

Hindi nagustuhan ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte na Die Hard Duterte Supporters(DDS) ang naging pagkampi at pagtatanggol ni House Speaker Lord Allan Velasco sa red tagging sa Makabayan Bloc na malinaw umanong pagbalewala sa Pangulo at pangmamaliit sa kakayahan ng military sa pangangalap ng impormasyon laban sa CPP-NPA.

Sa Youtube Channel na Banat Balita ng DDS sinabi nito na sa ginawang pagtatatanggol ni Velasco sa Makabayan Bloc ay ipinakikita lamang nitong wala syang nalalaman sa isyu ng CPP-NPA.

“Kung talagang kay Pangulong Duterte ka sumunud ka sa kumpas ni Pangulong Duterte hindi naman sila mag aakusa nang walang ebidensya, sinasabi mong careless accusations si Gen Parlade, hindi sila careless, puno ng ebidensya, hindi ka nanonood, wala kang internet? Sanay ka naman gumamit ng cellphone bakit hindi mo tinitignan. Yung Makabayan bloc meron ebidensya ang ating pamahalaan kaya wag ibahin ang usapan itigil ang pagtatanggol dyan”ayon pa sa DDS.

Matatandaan na una nang nagpasalamat sina Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate at Act Teachers Partylist Rep. France Castro kay Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanila sa red tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflct(NTF-ELCAC) Spokesperson Lt Gen Antonio Parlade, giit ng Makabayan Bloc, naramdaman nilang protektado sila sa ginawa ni Velasco.

“Lubos namin pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa nyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan lalo na sya ay Speaker, ngayon lang ako nakarinig ng Speaker na ganto”nauna nang pahayag ni Castro.

Sa ipinalabas na statement ni Velasco sinabi nito na apektado sya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa House members.

“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations”pahayag ni Velasco kung saan sinabihan nito si Parlade na maging maingat sa kanyang pananalita laban sa mga House members.

“We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated Is uncalled for”dagdag pa ni Velasco.

Sinabi ng mga supporters ni Pangulong Duterte na dalawa lamang ang nakikita nilang dahilan ng pagkampi ni Velasco sa Makabayan Bloc, una ay natatakot syang banggain ang CPP-NPA dahil mayroong mga NPA sa distrito nito sa Marinduque o mapapakinabangan nya sa 2022 election ang mga ito.

Hamon nito kay Velasco na patunayan na malapit talaga kina Pangulong Duterte at Sara Duterte.

“sinasabi nya na close sya kay Pangulong Duterte at Mayor Sarah pero hindi nya(Velasco) alam na ang mga Duterte mismo ang nagsabi na may kaugnayan ang Makabayan Bloc sa CPP-NPA.

Matatandaan na s kontrobersiyal na Instagram post noong October 8, 2018 ni Mayor Sarah ay tinawag nitong milking cow ng mga terorista ang partylist system kung saan tinawag nitong terrorists at liars ang Makabayan Bloc na dapat ay matangggal sa Kamara.

Noong 2016 sa kanyang talumpati sa 1st Infantry Division sa Labangan, Zamboaga del Sur ay una na ding sinabi ni Pangulong Duterte na ilang partylist sa Kamara ay may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa armed wing nito na New Peoples Army(NPA).

Aminado ang DDS na dismayado sila sa pagiging Speaker ni Velasco,anila, hindi maituturing na magaling na Speaker kung iba ang sinasabi nito sa kung ano ang posisyon ng administrasyon sa mga isyu.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *