Pagtangay umano ng branch manager sa pera ng ilang kliyente ng EastWest Bank iniimbestigahan na ng BSP

Pagtangay umano ng branch manager sa pera ng ilang kliyente ng EastWest Bank iniimbestigahan na ng BSP

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay sa napaulat na pagtangay umano ng isang branch manager ng EastWest Bank sa deposits o pera ng ilang kliyente ng bangko.

Ayon sa BSP, inilunsad na ang pagsisiyasat hinggil sa isyu.

Wala naman nang ibinigay na iba pang detalye ang BSP sa ginagawang imbestigasyon.

Nauna nang isiniwalat ni ACT-CIS partylist Rep. NiƱa Taduran na nawalan umano ng milyun-milyong piso ang dalawang long-time depositors ng isang branch ng EastWest bank.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng EastWest Bank na napag-alaman nila na ang manager ng naturang bangko ay nawawala at sinasabing natangay ang deposits ng dalawa sa mga kliyente nito.

Sinabi ng EastWest Bank na ang natangay na halaga ay “confidential” pero “not significant” naman.

Tiniyak naman ng EastWest bank na nakikipag-ugnayan sila sa mga apektadong depositors at nasabihan na rin sila hinggil sa internal investigation ng bangko.

Ang sinasabing nawalang pera ay ibabalik din sa mga depositor, bilang bahagi ng kanilang commitment na protektahan ang mga kliyente at kanilang mga pera.

Dagdag ng EastWest bank na ang isyu ay sa iisang branch lamang, pero kanilang tinitiyak na magkakaroon sila ng system-wide safeguards upang hindi na mauulit pa ang kahalintulad na kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *