Pagtaas ng SSS contributions ngayong panahon ng pandemya hindi dapat ituloy – Sen. Gordon

Pagtaas ng SSS contributions ngayong panahon ng pandemya hindi dapat ituloy – Sen. Gordon

Kailangang mabigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangayarihan na harangin ang pagtataas ng kontribusyon sa SSS kapag panahon ng national emergencies.

Ayon kay Senator Richard Gordon, gaya ngayong mayroong pandemya ng COVID-19, dapat ay hindi muna matuloy ang pagtataas ng singil sa kontribusyon ng SSS.

Sinabi ni Gordon na marami ang nahihirapan pa rin sa ngayon at walang maipambabayad bunsod ng pandemya ng COVID-19.

“Walang pambayad ang mga tao dahil may pandemya. Gusto nating matulungan ang mga nahihirapan,” ayon kay Gordon.

Paliwanag ng senador, maraming kumpanya ang nagsara na kaya maraming empleyado ang nawalan ng trabaho.

“With many businesses closing and employees losing their jobs, people need every bit of help they can get,” dagdag ni Godon. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *