Pagsusulong sa infrastructure development tiniyak ni Senator Bong Go
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang inspeksyon sa bagong General Santos City Airport (GSIA) at seaport developments sa Port Makar.
Ang nasabing mga proyekto ay bahagi ng Build Build Build program ng pamahalaan.
Naglagay ng bagong navigational aids at bagong gusali ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Administration sa GSIA.
Nilakihan din ang Passenger Terminal Building nito na ngayon ay 12,240 square meters na mula sa dating 4,029.
Dahil sa ginawang upgrade sa paliparan aabot sa dalawang milyong katao kada taon ang kakayanin na nitong i-accommodate.
Kaya na ding mag-accommodate ng mas malalaking aircraft ng paliparan matapos ang ginawang renovation at expansion.
Umabot din sa 380 na katao ang nabigyan ng trabaho sa kasagsagan ng pagsasaayos ng airport.
Samantala, nagtayo naman ang Philippine Ports Authority ng bagong Port Operations Building at iba pang support facilities sa Port Makar kabilang ang bagong parking spaces, covered court, port manager’s quarters o Day Care Center, at drainage system.
Isinusulong din ng PPA na mai-restore ang passenger ferry services sa pantalan. Nasuspinde kasi ito noong 2008 dahil sa kawalan ng customers.
Pinag-aaralan din na gamitin ang pantalan magsilbing international maritime route sa Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines-East ASEAN Growth Area.
Ang mga bagong infrastructure projects na ito sa General Santos City ay inaasahang makapagpapalakas sa kakayahan ng lungsod bilang agri-industrial at ecotourism hub.
Ayon kay Go, mahalagang mapipagpatuloy ang mga nasimulan ng Duterte Administration na mga proyekto at programa gaya na lamang ng Build Build Build Program.
“Hindi ko po hahayaan na masayang ang nasimulang magagandang proyekto na nakapagpaangat ng pamumuhay ng sambayanan. The Duterte Administration has already mapped out concrete plans to sustain our nation’s gains amidst unprecedented challenges. All we have to do is to continue to enforce, implement, and improve these programs all for the welfare of our Filipino people,” ayon kay Go.
Importante ayon kay Go ang kooperasyon ng pamahalaan sa pribadong sektor.
“I agree that the Build, Build, Build program is a banner achievement of the Duterte Administration and I also believe that we can use the Build, Build, Build program to fuel our economic recovery. We are an archipelago. We need connectivity. This is the reason why we have inaugurated many airports, seaports, roads and bridges under the Duterte Administration so we can reach the farthest places in the country,” dagdag ni Go.
Tiniyak ni Go na tumatakbong presidente ng bansa na itutuloy niya ang napakaraming achievements ng kasalukuyang administrasyon.
Samantala, nagsagawa din si Go ng monitoring visit sa Malasakit Center sa Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City.
Personal din itong namahagi ng tulong sa mga solo parents sa Oval Plaza Gym sa lungsod.
“I vow to continue the good programs that benefited the Filipino people over the past six years. Tuloy ang serbisyo, tuloy ang malasakit, tuloy ang tunay na pagbabago,” ani Go.