Pagsusulong ng Bayanihan 3 Act pinag-aaralan na para patuloy na matulungan ang mga mamamayan na apektado ng COVID-9 pandemic ayon kay Sen. Bong Go

Pagsusulong ng Bayanihan 3 Act pinag-aaralan na para patuloy na matulungan ang mga mamamayan na apektado ng COVID-9 pandemic ayon kay Sen. Bong Go

Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpasa ng mga batas na makatutulong sa mga mamamayan na hirap pa ring makaahon dahil sa pandemya ng COVID-19.

Siniguro din ni Go na gagawaan ng paraan para matugunan ang kagutuman, magkaroon ng sapat, ligtas, at epektibong bakuna para sa lahat; at mabibigyan muli ng kabuhayan ang mga nawalan.

“Bilang inyong Senador at tulay ninyo kay Pangulong Duterte, gagawan natin ng paraan na masolusyunan ang gutom; magkaroon ng sapat, ligtas, at epektibong bakuna para sa lahat; at mabibigyan muli ng kabuhayan ang mga nawalan,” ayon sa senador.

Sinabi ni Go na mahalagang magamit ng wasto ang pondo ng bayan at hindi ito dapat mapagsamantalahan ng iilan lalo ngayong marami ag naghihirap.

Ito aniya ang dahilan kaya sa nalalabing panahon ni Pangulong Rodrig Duterte sa pwesto ay patuloy ang gagawing paglaban sa korapsyon.

Sa ngayon sinabi ni Go na pinag-aaralan na ng Kongreso kasama ang mga finance manager ng pamahalaan ang posibilidad ng pagsusulong ng Bayanihan 3 Act upang patuloy na matulungan ang mga naapektuhan ng pandemya.

Kung mayroon aniyang makukuhanan pa ng pondo, layunin nitong mabigyan pa ng ayudad ang mga nawalan ng hanap buhay.

“Huwag po nating hayaan na may mamatay sa gutom. Hinihikayat ko ang ating mga kasamahan sa gobyerno na gawan po ng paraan at magtulungan para sa kapakanan ng mga Pilipinong hirap na hirap na po talaga. Pagaanin natin ang kanilang pinapasan at huwag natin silang pahirapan pa,” sinabi pa ng senador.

Suportado din ni Go ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE bill upang matulungan naman ang maliliit na negosyo na makabawi sa naging epekto ng krisis.

Sa ilalim aniya ng CREATE bill ay mas mababa lamang ang babayarang buwis at mas maraming ibibigay na insentibo.

Makatutulong din ang CERATE bill para sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program na layong matulungan ang mga mamamayan na umuwi ng lalawigan na magkaroon ng pangkabuhayan o pagkakakitaan.

Mahalaga ayon kay Go na makapagsimula ng panibagong buhay ang mga magbabalik-probinsya.

“Kaakibat rin dito ang pag-implementa ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program. Kapag ligtas na pong bumiyahe ang mga kababayang nais magsimula muli ng panibagong buhay sa kanilang mga probinsyang uuwian, sisiguraduhin natin na bukod sa transportasyon at agarang ayuda ay may kabuhayan at trabaho rin na nakahanda sa kanilang pag-uwi sa probinsya. Dapat po ay bigyan natin sila ng bagong pag-asa,” ani Go.

Isinusulong din ng economic cluster ng gobyerno ang Financial Institutions’ Strategic Transfer o FIST bill at ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery o GUIDE bill.

Layunin aniya ng dalawang batas na magkaroon ng dagdag na mekanismong pinansyal para matulungan ang mga negosyante na magkaroon ng puhunan.

Kung matutulungan aniya ang mga negosyo na makabangon at lumago, matutulungan rin ang pribadong sektor at ang mamamayan na magkakaroon ng mas maraming economic opportunities sa buong bansa.

Para makasabay sa tinatawag na “new normal” isinusulong din ni Go ang panukalang batas na na magpapalit sa government processes at mga transaksyon patungong e-governance.

Maliban sa mas magiging mabilis aniya ang transaksyon ay magiging malinis din at maiiwasan ang red tape sa ilalim ng Ease of Doing Business Act.

“Ginagawan na natin ng paraan na magiging malinis at madali ang pakikipag-transaksyon sa gobyerno. Kung kaya’t bukod sa maayos na pag-implementa ng Ease of Doing Business Act, isinusulong ko rin ang aking E-Governance Bill upang mas makapag-adapt ang bansa sa ‘new normal’,” sabi pa ni Go.

Inaalala din aniya ng pamahalaan ang mga overseas Filipinos na nawalan ng trabaho kaya dapat silang patuloy na makatanggap ng suporta mula sa gobyero.

Magagawa ito kung maipapasa aniya ang DOFil bill na layong makapagtatag ng Department of Overseas Filipinos.

“Patuloy rin ang ating pagbibigay importansya sa higit kumulang sampung milyong Overseas Filipinos na isa sa pinaka-apektadong sektor ng pandemyang ito. Karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho at napilitang umuwi,” dagdag ni Go.

Kasabay nito muling tiniyak ni Go na sa sandaling maging available na ang bakuna laban sa COVID-19 ay sisiguraduhin na mabibigyan ng libreng bakuna ang mga frontliners, ang mga mahihirap, at ang mga bahagi ng vulnerable sectors.

Kasama aniya dito ang mga isang kahig, isang tuka na kailangan talagang lumabas at maghanapbuhay.

“Mga kababayan ko, ang kooperasyon ng lahat ang pinaka-importanteng hakbang tungo sa ating muling pagbangon. Habang binubuhay muli natin ang ekonomiya, huwag muna tayo magkumpyansa at patuloy tayong mag-ingat,” pagtatapos ni Go.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *