Pagsasagawa ng professional licensure examinations pinayagan na ng IATF

Pagsasagawa ng professional licensure examinations pinayagan na ng IATF

Aprubado na ng Inter -Agency Task Force (IATF) ang kahilingan ng Professional Regulation Commission (PRC) na makapagdaos na ng professional licensure examinations mula Hulyo hanggang Setyembre 2021.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan lamang tiyakin ng PRC na masusunod ang health at safety protocols na inilatag ng pamahalaan kontra COVID-19.

Ayon kay Roque, kailangang makasunod sa minimum public health standards ang gagawing mga pagsusulit.

Ayon sa PRC, sa Hulyo, nakatakda ang professional licensure examinations para sa nurses, landscape architects, mining engineers, master plumbers, real estate brokers at environmental planners.

Sa Agosto naman isasagawa ang pagsusulit ng mga psychologists, psychometricians, veterinarians, mechanical engineers, certified plant mechanics, guidance counselors, medical technologists, at social workers.

Samantala, sa halip na sa buwan ng Agosto, ang pagsusulit para sa nutritionists-dietitians at foresters ay gagawin na lamang sa Oktubre.

Sa buwan naman ng Setyembre isasagawa ang pagsusulit ng mga sanitary engineers, registered electrical engineers, registered master electricians, librarians, physicians, qualifying assessment for foreign medical professionals, respiratory therapists, real estate appraisers, professional teachers, at agricultural biosystems engineers. (Faith Dela Cruz)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *