Pagpigil ni Pangulong Duterte sa mas magaang age restrictions sa MGCQ areas suportado ng DepEd
Suportado ng Department of Education (DepEd) ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang polisiya na nag papagaan sa age restriction sa mga lugar na nakasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) at payagan na ang mga edad 10 pataas na lumabas ng bahay.
Ayon ka DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, seryoso ang banta ng COVID-19 lalo pa at mayroong bagong variant.
Mahalaga aniyang mabigyang proteksyon ang mga bata laban sa sakit.
Magugunitang pinigil ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad sa bagong polisiya ng IATF na nagpapagaan sa age restriction sa mga lugar na nasa MGCQ na lamang.
Samantala ayon kay Briones, patuloy na ng DepEd ang academic ease measures upang maibsan ang mental stress na nararanasan ng mga mag-aaral.
Kabilang aniya dito ang pagpapaluwag sa requirements matapos makatanggap ng feedback mula sa mga maglang na maraming bata ang naninibago dahil sa dami ng assignments.
Binibigyan aniya ng mas mahabang panahon ang mga mag-aaral na tapusin ang kanilang modules at iba pang requirements para maisumite ito ng kumpleto sa kanilang mga guro. (D. Cargullo)