Pagpatay sa 42-anyos na pari sa Malaybalay kinondena ng Simbahan
Mariing kinondena ng Simbahang Katolika ang pagpatay sa isang 42 anyos na pari sa Malaybalay, Bukidnon.
Si Fr. Rene Regalado ay natagpuang patay sa kalsada malapit sa Malaybalay Carmel Monastery alas 8:00 ng gabi noong Linggo.
Pabalik dapat ng seminaryo ang pari nang mangyari ang insidente.
Nakitaan si Fr. Regalado ng pasa malapit sa kaliwang mata at ang kaliwang kamay ay itinali.
Nanawagan ang Dioceses ng Malaybalay sa mga otoridad na masusing imbestigahan ang nangyari at tiyaking mabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa pari. (D. Cargullo)