Pagpasa sa P420-B Bayanihan 3 Law isinulong ni Speaker Velasco
Dahil nakararanas pa din ng recession ang bansa at mayroon pa ding pandemic ng COVID-19, pandemic, ipinanukala ni House Speaker Lord Allan Velasco ang paglalaan ng P420-billion na pondo para makatulong sa lugmok na ekonomiya ng bansa.
Inihain ni Velasco at ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo ang House Bill (HB) No. 8628 o ang “Bayanihan to Arise As One Act,” (Bayanihan 3).
Umabot na sa 115 na miyembro ng major political parties at power blocs mula sa supermajority sa Kamara ang sumuporta dito.
Magugunitang sa ilalim ng mga naunang Bayanihan law na Bayanihan to Heal As One at Bayanihan to Recover As One naitaas ang kapasidad ng gobyerno na matuguninan ang krisis ng COVID-19.
“Given that actual economic output in 2020 was far below what was assumed for budget purposes, and further losses may still be incurred as the COVID-19 pandemic is expected to prevail well into the current fiscal year, an additional economic stimulus package is needed to help the government meet its recovery targets for the year,” ayon kay Velasco.