Pagpapauwi ng LSIs at overseas Filipinos sa Iloilo City suspendido ng pitong araw

Pagpapauwi ng LSIs at overseas Filipinos sa Iloilo City suspendido ng pitong araw

Wala munang tatanggaping Locally Stranded Individuals (LSIs) at returning overseas Filipinos sa Iloilo City matapos itong isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa abiso ng Iloilo City Government, ipinag-utos ni Mayor Jerry TreƱas ang suspensyon sa pagbiyahe ng mga LSIs at ROFs sa lungsod sa loob ng pitong araw.

Layon nitong mabigyang pagkakataon ang lokal na pamahalaan na matugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Hindi naman magpapatupad ng border controls sa Iloilo City para hindi maapektuhan ang mga business establishments.

Inirekomenda din ng LGU na magtuloy ang pagbiyahe ng pampublikong transportasyon basta’t masusunod ang 1-meter physical distancing sa mga sasakyan.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *