Pagpapaturok ng COVID-19 vaccine ng mga sundalo, ilang gabinete “anoumalous” ayon kay Sen. Leila De Lima

Pagpapaturok ng COVID-19 vaccine ng mga sundalo, ilang gabinete “anoumalous” ayon kay Sen. Leila De Lima

Tinawag na “anomalous” ni Senator Leila de Lima ang pagpapaturok na ng bakuna kontra COVID-19 ng mga sundalo at ilang opisyal ng gobyerno.

Una nang napabalita na may mga sundalo na at miyembro ng gabinete ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni De Lima na naisagawa ang pagbabakuna gayung wala pang opisyal na clearance mula sa DOST, FDA, at DOH ang China-made vaccine o anumang bakuna laban sa sakit.

Tanong ni De Lima, “paanong nangyari na may mga naturukan na ng bakuna?”.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na walang “AFP-sanctioned COVID-19 vaccination” para sa kanilang mga tauhan.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *