Pagpapatupad ng price ceiling sa karneng baboy at manok iminungkahi ng DA
Iminungkahi ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar ang pagpapatupad ng price ceiling sa presyo ng karne ng baboy at manok.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng kada kilo ng karne sa mga pamilihan.
Batay sa panukala ni Dar, dapat ipatupad ang price ceiling sa National Capital Region (NCR) sa loob ng 60 araw.
Narito ang panukalang presyo:
P270/kg – kasim at pigue
P300/kg – liempo
P160/kg – dressed chicken
Ayon kay Dar, layon nitong maiwasan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng karne.
Layon din nitong maiwasan ang pananamantala ng mga negosyante at matulungan ang mga consumer lalo na ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic. (D. Cargullo)