Pagpapatupad ng mandatory cashless transaction sa mga expressway iniurong sa Dec. 1
Iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng mandatory cashless transaction sa mga expressway.
Ayon sa DOTr, sa halip na sa November 2 ay sa December 1 na lamang ipatutupad ang mandatory cashless transaction.
Kasunod ito ng apela ng mga motorista na hindi pa rin nakapagpapalagay ng RFID stickers sa kanilang sasakyan.
Dahil may mahaba pang panahon para makapaglagay ng RFID stickers ang mga motorista ay maiiwasan din ang mahabang pila ng mga sasakyang nagpapalagay ng stickers.
Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Abraham Sales, hindi na muling palalawigin pa ang deadline.