Pagpapatupad ng kontrobersyal na child car seat law ipagpapaliban ng DOTr at LTO

Pagpapatupad ng kontrobersyal na child car seat law ipagpapaliban ng DOTr at LTO

Ipagpapaliban muna ng pamahalaan ang pagpapatupad ng child car seat law o ang Republic Act (RA) No. 11229.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nitong isinasapinal pa ng Land Transportation Office (LTO) ang enforcement protocols para sa nasabing batas.

Batid aniya ng LTO at DOTr na mangangailangan ng special training sa pagpapatupad ng naturang batas dahil mga bata ang sangkot dito.

Sinabi din ng DOTr na kailangan muna ng komprehensibong information, education, and communications (IEC) campaign bago ang full implementation ng batas.

Ang LTO ay nagtakda ng Enforcement and Communications Planning Workshop para sa RA 11229 noong March 19 hanggang 20, 2020 pero nakansela ito dahil sa pandemya ng COVID-19.

Bahagi dapat ng IEC campaign ang pagdaraos ng information campaign tungkol sa nilalaman ng batas, target ang mga guro, school officials, mga bata, medical practitioners at manufacturers/retailers/importers, at iba pa.

Kapwa nagkasundo ang DOTr at ang LTO na ipagpaliban muna ang full implementation at enforcement ng batas lalo pa sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa na mayroong nararanasang pandemya.

“Both the DOTr and LTO are in agreement that a deferment of the full implementation/enforcement of this new rule is warranted, especially given our current economic situation amid this still raging pandemic,” ayon sa pahayag ng DOTr.
 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *