Pagpapaluwag sa umiiral na age restriction sa Maynila pag-aaralan pa ayon kay Mayor Isko Moreno
Pag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagpapaluwag sa umiiral na age restriction sa mga pinapayagang lumabas ng tahanan.
Pahayag ito ni Manila Mayor Isko Moreno kasunod ng panukala ng Inter-Agency Task Force na payagan nang lumabas ang mga batang nasa edad 10 taong gulang pataas sa mga lugar na nakasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon sa alkalde, kinakailangan pang masusing pag-aralan kung nararapat ba talagang palabasin na ang mga bata lalo na’t nasa GCQ ang lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Moreno na kung siya ang tatanungin, mahalaga ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapalaganap ng impormasyon kontra COVID-19.
Pero ayon sa alkalde, lumalabas sa datos ng Manila Health Department na malaking bahagi ng bilang ng tinatamaan ay pawang mga kabataan kaya nais niyang manatili ang mga ito sa kani-kanilang tahanan.
Kasabay nito ay muling nanawagan si Mayor Isko sa bawat ManilenĚo ng kooperasyon lalo na sa mga ipinapatupad na health protocols ng pamahalaan upang maiwasan na lumobo ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila. (D. Cargullo)