Pagpapaalis ng mga Healthcare Worker patugong Qatar pinayagan na muli ng POEA

Pagpapaalis ng mga Healthcare Worker patugong Qatar pinayagan na muli ng POEA

Pinayagan na muli ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga Healthcare Workers sa Qatar.

Kasunod ito ng resolusyon ng Inter Agency Task Force na nagtaaas ng deployment ceiling sa mga HCWs sa 6,500 mula sa kasalukuyang 5,000.

Sa liham ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kay Senator Richard Gordon, dahil sa resolusyon ng IATF, pinapayagan na muli ang pagproseso ng Overseas Employment Certificates ng mga patungong Qatar.

Una nang inilapit ni Gordon ang nasabing isyu sa POEA.

Ayon kay Gordon, mayroon kasing mga nurse na may visa na patungong Qatar ang hindi makaalis dahil sa deployment ceiling.

Apela ni Gordon sa pamahalaan, hangga’t walang sapat na poprtunidad sa Pilipinas ay hayaan ang mga OFW na magtrabaho sa bansa kung saan may oportunidad. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *