Paglilipat ng mga preso sa iba’t ibang pasilidad o bilangguan, ipinatigil ng Korte Suprema

Paglilipat ng mga preso sa iba’t ibang pasilidad o bilangguan, ipinatigil ng Korte Suprema

Sinuspinde muna ng Korte Suprema ang pagpapalabas ng commitment orders laban sa mga bilanggo sa iba’t ibang piitan sa bansa.

Batay sa OCA Circular 149-2020 na pinagdaan ni Court Administrator Jose Midas P. Marquez, lahat ng hukom sa first level and second level court, o mga municipal court at regional trial court sa buong bansa ay pinagbawalan na magpalabas ng commitment order o paglilipat ng mga preso sa iba’t ibang piitan.

Nilinaw ng court administrator na ang suspension ng commitment orders ay sa gitna na rin nang nararanasang pandemic na dito ay nasa iba’t ibang antas ang mga rehiyon sa bansa.

Nakasaad sa OCA Circular 149-2020 na pinalalawig ang suspension sa pagpapalabas ng commitment orders upang mailipat sa mga pasilidad ng BJMP ang mga bagong arestong PDLs ayon sa OCA 121-2020 at OCA circular 125-2020 para sa mga sentensiyadong PDLS na mailipat sa Bureau of Corrections.

Ayon kay Marquez tatagal ang suspension sa commitment orders hanggang Setyembre a-30 ngayong taon. (END)

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *