Paglaya ni US Marine Joseph Scott Pemberton maaantala
Kinumpirma ng Department of Justice na hindi muna itutuloy ng Bureau of Corrections o BuCor ang pagproseso sa release order ni US Marine Joseph Scott Pemberton.
Ayon kay kay DOJ Spokesman Usec. Markk Perete, hindi muna ipoproseso ng BuCor ang release papers ni Pemberton dahil mayroon pa namang nakabinbin na Motion for Reconsideration ang mga abogado ng pamilya ni Jenifer Laude sa korte.
Bahagi aniya ito ng proseo na hindi muna ituloy ang pagroseso sa paglaya ni Pemberton hanggang wala pang desisyon sa mosyon ng kampo ni Laude.
Una nang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na dati ring abogado ng pamilya Laude na nag-abiso na anya ang Justice Department sa BuCor na itigil muna ang pagproseso sa release order ni Pemberton dahsil naka-apela pa ang kaso.
Ayon kay Atty. Virgie Suarez- tumatayong abogado ng mga Laude na, inaasahan nilang sa Lunes ay diringgin ng Korte ang kanilang mosyon na kumukwestyon sa kautusan ng Olongapo RTC na mapalaya na si Pemberton.