Paglabag sa quarantine protocols sa Cebu iniimbestigahan na ng PNP

Paglabag sa quarantine protocols sa Cebu iniimbestigahan na ng PNP

Inatasan na ni Philippine National Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang Cebu Provincial Police Office na imbestigahan ang umano ay paglabag sa quarantine protocols na nangyari sa Camotes Island.

Batay sa ulat na natanggap ng PNP nagkaroon ng beach party at may ilang pulitiko ang dumalo.

Sinabi ni Eleazar na inatasan na niya ang lokal na pulisya sa lugar na mangalap ng ebidensya.

Batay sa natanggap na reklamo ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nangyari ang party noong July 10.

Sa mga video ng naganap na beach party makikita ang mga guest na na lumabag sa minimum public health safety standards at quarantine protocols. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *