Pagkulog at pagkidlat na naranasan kagabi sa Agoncillo, Batangas walang kinalaman sa Bulkang Taal – PHIVOLCS
Walang kinalaman sa Bulkang Taal ang mga naranasang pagkidlat at pagkulog sa bahagi ng Agoncillo, Batangas kagabi.
Pahayag ito ng Phivolcs, kasunod ito ng post ng ilang netizens na nagsasabing nakakilta sila ng mga pagkidlat na galing sa Taal Volcano.
Paliwanag ng Phivolcs, batay sa kuha sa mga video at larawan, normal na thunderstorms ang naranasan sa bahaging iyon ng Batangas.
“Lightning and thunderstorms observed near Taal Volcano are not volcano-related based on visual images captured from Agoncillo, Batangas,” ayon sa Phivolcs.
Sinabi ng Phivolcs na dakong alas 7:41 ng gabi ng Linggo (Sept. 27) ay naglabas sila ng thunderstorm advisory sa bahagi ng Batangas.
Sa mga ibinahaging video, nagpahayag ng pangamba ang mga residente dahil sa nakita nilang pagkidlat na malapit sa bulkan. (END)