Pagkasawi ng siyam na aktibista operasyon ng PNP at AFP pinaiimbestigahan sa CHR

Pagkasawi ng siyam na aktibista operasyon ng PNP at AFP pinaiimbestigahan sa CHR

Siyam na aktibista ang nasawi habang apat pa ang inaresto sa serye ng operasyoon ng pulisya at militar noong Linggo (March 7) sa Calabarzon.

6 sa mga nasawi ay mula sa Rizal, 2 sa Batangas at 1 sa Cavite batay sa police report ng PNP-Calabarzon.

Ang serye ng pagsalakay ay isinagawa ng PNP kasama ang AFP sa bisa ng search warrants na inilabas ng korte ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran tagapagsalita ng PRO-4A.

Mariin naman itong kinondena ng grupong Karapatan.

Ayon kay Karapatan National Secretary General Cristina Palabay dapat manghimasok ang Commission on Human Rights at imbestigahan ang nangyari.

Ayon sa Karapatan lima sa mga nasawi ay pawang aktibista na kinilalang sina Emmanuel “Manny” Asuncion, Cavite coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan); Mark Lee Bacasno at Melvin Dasigao, kapwa miyembro ng urban poor group San Isidro Kasiglahan, Kapatiran at Damayan para sa Kabuhayan, Katarungan at Kapayapaan (SIKKAD K-3), na kapwa nasawi sa Rodriguez, Rizal; si Ariel Evangelista at kaniyang asawa na si Chai Lemita Evangelista, na parehong advocate ng karapatan ng mga mangingisda sa Batangas.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *