Paghingi ng saklolo sa bakuna ng LGUs kay Robredo hindi pamumulitika – Solon

Paghingi ng saklolo sa bakuna ng LGUs kay Robredo hindi pamumulitika – Solon

Walang nakikitang masama si Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez kung humingi man ng assistance ang mga Local Government Units (LGUs) sa Visayas at Mindanao kay Vice President Leni Robredo para mapalawig sa rehiyon ang kanyang programang COVID Vaccine Express.

Sa isang panayam ipinaliwanag ni Rodriguez na kapakanan ng mga residente ang prayoridad at hindi dapat pairalin ang pulitika.

Aminado si Rodriguez na maganda ang Express o Drive Thru Vaccine initiative ni Robredo kaya nagpasaklolo na ito sa Office of the Vice President para mapabilis ang pagpapabakuna sa mga probinsya.

Aniya, kung sa Maynila ay nasa 600,000 na ang nabakunahan, sa Cagayan de Oro ay nasa 70,000 pa lamang habang mas mababa pa sa ilang probinsya.

“Walang pulitika dito because cases in Cagayan de Oro is still very high, Davao City is still very high same with Zamboaga,Butuan City in Mindanao, Iloilo and Bacolod City in Visayas and Albay in Bicol. I asked VP Leni pero walang pulitika dito”giit ni Rodriguez.

Aniya, obligasyon ng mga LGUs na makakuha ng bakuna para sa kanilang mga constituents at nakita nya ang pagkakataon na ito sa programa ni Robredo.

Taliwas naman ang pananaw ni Rodriguez sa nauna nang naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Matatandaan na kamakalan ay minasama ni Mayor Duterte ang suhestiyon ni Robredo na gayahin ng Davao City ang COVID approach ng Cebu City.

Ani Robredo mas malaki ang populasyon ng Quezon City subalit nangunguna ang Davao City sa mga LGUs na may mataas na naitatalang kaso ng COVID kada araw.

“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” nauna nang pahayag ni Mayor Duterte kung saan tinuran pa nito na kulang sa pang- unawa at kaalaman si Robredo at walang maitutulong para maresolba ang problema.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *