Paghihigpit ng IATF sa mga aktibidad ng simbahan pinalagan ng Archdiocese of Manila
Pumalag ang Archdiocese of Manila sa mahigpit na alituntunin na pinalabas ng Inter Agency Task Force on the Management of the Emerging and Infectious Disease o IATF.
Ayon kay Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo, ng Archdioceses of Manila, labag sa religious freedom at prinsipyo ng separation of church and state ang IATF restrictions.
Tiniyak ni Bishop Pabillo na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.
Sa bagong alituntunin ng IATF, pinagbabawal ang mga religious mass gathering dahil sa pagtaas ng kaso ng iba’t ibang variants ng novel coronavirus.
Ngunit ayon kay Bishop Pabillo, mali ang sinasabi ng IATF at hindi dapat sumunod sa pamamalakad na walang konsultasyon, at binigyang-diin na linalabag ng naturang kautusan ng IATF ang usapin sa separation of church and state
Ayon pa kay Bishop Pabillo, sila ang nagse-separate ngayon, siila na ang tumatanggi sa separation at yan aniya ang sinasabi na hindi puwedeng pagbawalan ng state ang religious activities sa loob ng kanilang bakuran.
Sa pagtutuloy ng religious activities, tiniyak ni Bishop Pabillo na magpapatupad ng social distancing, tuloy ang online activities, at hinihikayat ang lahat ng faithful na gustong dumalo sa misa sa loob ng simbahan.
Base sa inilabas ng kautusan ng IATF, 10 katao lamang ang papayagang makapagsimba sa mga parokya sa ilalim ng General Community Quarantine na umiiral sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o tinawag na NCR. (by: Ricky Brozas)