Pagdinig ng Senado kaugnay sa PDEA-PNP misencounter suspendido

Pagdinig ng Senado kaugnay sa PDEA-PNP misencounter suspendido

Sinuspinde ng Senado ang pagdinig na isasagawa sa Lunes (March 15) kaugnay sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA sa Quezon City.

Sa inilabas na notice of postponement ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, nakasaad na hindi na muna matutuloy ang pagdinig.

Ito ay makaraang kapwa magpositibo sa COVID-19 sina PNP chief, Gen. Debold Sinas at PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na kapwa ‘principal invitees’ sa hearing.

Maglalabas na lamang muli ng abiso ang komite kung kailan itutuloy ang pagdinig.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *