Pagbuwag sa PhilHealth nakadepende kay Pangulong Duterte

Pagbuwag sa PhilHealth nakadepende kay Pangulong Duterte

Nakadepende sa presidente kung itutuloy ang balak na ipabuwag ang Philippine Health Corporation o Philhealth.

Ito ang naging tugon ni Health Usec at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapanukala sa Kongreso ang paglusaw na sa Philhealth.

Nitong mga nakalipas na buwan kasi ay naharap sa isyu ng kurapsyon ang Philhealth, sa gitna pa ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Vergeire na ang Philhealth ay binuo sa pamamagitan ng batas upang magkaroon ng “accessible, acceptable at available” na health care services para sa mga Pilipino.

Ang usapin aniya ng pagbuwag o pagsapribado sa Philhealth ay desisyon na ito ng pangulo.

Pero naniniwala si Vergeire na hindi papayag ang gobyerno na hindi mapupunan o mapapalitan ang Philhealth, sakaling mawala ito.

Dagdag ng tagapagsalita ng DOH, kapag nabuwag ang Philheth ay siguradong hindi pababayaan ng pamahalaan at may plano ito para hindi magkaroon ng financial hardship ang mga mamamayan lalo na pagdating sa aspetong pangkalusugan at pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na mainam na hintayin na lamang muna ang pag-aaral na isinasagawa hinggil sa posibleng paglusaw o iba pang plano sa Philhealth.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *