Pagbili ng 15 bagong Black Hawk helicopters inaprubahan ni Pangulong Duterte
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng 15 bagong Black Hawk helicopters at pag-decommission sa lahat ng Huey helicopters ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, para sa 15 bagong helicopters, magsasagawa na ng negosasyon upang maka-order ng mga ito at para sa supply agreement.
“The President said we might not be able to afford it but you can begin negotiations for 15,” ayon kay Nograles.
Indicative number lamang aniya ang 15 at maari pang mabago depende sa pondo at kakayahan ng gobyerno na bilhin ang mga ito.
Sinabi ni Nograles na ang chopper crash sa Bukidnon kamakailan sangkot ang Air Force Huey helicopter ang nagtulak sa pangulo para aprubahan ang pagbili ng mga bagong helicopter.