Pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Tracing Czar hindi tinanggap ng NTF Against COVID-19.

Pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Tracing Czar hindi tinanggap ng NTF Against COVID-19.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsumite ng resignation si Baguio Mayor Benjamin Magalong bilang Contact Tracing Czar.

Kasunod ito ng kontrobersyal na birthday party ng celebrity na si Tim Yap sa isang hotel sa Baguio City.

Sa nasabing birthday party na nagkaroon ng mga paglabag sa health and safety protocols ay dumalo si Magalong at kaniyang asawa.

“We confirm that Baguio City Mayor Benjamin Magalong tendered his resignation as the government’s Tracing Czar,” ayon kay Roque.

Pero ayon kay Roque, hindi tinanggap ang pagbibitiw sa pwesto ni Magalong.

Patuloy aniya ang tiwala at kumpiyansa ng pamunuan ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 kay Magalong sa kakayahan nitong magampanan ang tungkulin bilang Tracing Czar. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *