Pagbawas sa distansya ng mga pasahero sa PUV suspendido muna ayon sa DOTr
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na suspendido muna ang pagpapatupad ng mas maliit na distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Roque, sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Huwebes, Sept. 17 nagpasya si Transportation Sec. Arthur Tugade na pansamantalang isususpinde ang 0.75 meter physical distancing.
Sa halip, sinabi aniya ni Tugade na mananatili muna ang pag-iral ng 1-meter physical distancing sa mga PUV.
Ito ay habang wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan nito na maibaba sa 0.75 ang physical distancing ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan. (END)