Pagbabawal sa pagdaraos ng maritime trainings binawi na ng MARINA
Binawi ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang inisyung moratorium na nagbabawal sa pagsasagawa ng maritime training.
Sa inilabas na Advisory No. 2021-01, binawi ang moratorium na naunang nagpataw ng temporary prohibition sa pagtanggap ng aplikasyon para sa Maritime Training Courses at Assessment Centers.
Ang pagbawi ay salig sa Presidential Decree 474, Republic Act. No. 10635 at Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) for Seafarers.
Ang mga kasalukuyan at bagong Maritime Training Institutions (MTIs) na layong mag-alok ng mga programa o courses ay kinakailangang makasunod sa requirements na isinasaad sa abiso ng MARINA.
Binawi na din ng MARINA ang moratorium sa pagbibigayng accreditation sa mga assessment centers (ACs).
Ayon sa MARINA, ang mga MTIs at ACS na mag-aalok ng mga programa at kurso ay dapat makatugon sa MARINA circulars, policies, rules and regulations.
Sakaling matuklasan na ang mga MTI at AC ay nagsumite ng pekeng dokumento o requirement, sila ay hindi bibigyan ng accreditation.
Ang aplikasyon ay pwedeng isumite sa stcw_accre@marina.gov.ph. (D. Cargullo)