Pagbabawal sa mga hindi bakunadong indibidwal na makasakay sa pampublikong sasakyan mahigpit na ipatutupad – DOTr
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na ipatutupad ang pagbabawal sa mga hindi bakunadong indbidwal na makasakay sa mga pampublikong sasakyan.
Kasunod ito ng resolusyon ng Metro Manila Council na nagbabawal sa mga unvaccinated individuals na bumiyahe via land, sea at air public transport maliban na lamang kung para sa essential goods at services ang pakay.
Bawal din sa mga pampublikong sasakyan ang mga edad 17 pababa, senior citizens, buntis at persons with comorbidities.
Ipatutupad ang nasabing polisiya habang umiiral ang Alert Level 3. (DDC)