Pagbabakuna sa mga nasa liblib na lugar tututukan ng DOH

Pagbabakuna sa mga nasa liblib na lugar tututukan ng DOH

Ipaprayoridad ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga hindi pa nakatatanggap ng first dose ng COVID-19.

Ayon sa DOH, tututukan ng kagawaran ang pagbabakuna sa mga hindi pa nakatatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccines, sa mga lalawigan lalo na ang mga nakatira sa malalayong lugar.

Ang mga liblib na lugar kasi ayon kay DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, ay may mababang health care capacity.

Kailangan ding matiyak ayon kay Vergeire na 100% ng nasa high-risk groups sa bansa ay nakatanggap na ng bakuna.

“If they won’t get the needed additional protection against severe COVID-19. This will lead to hospitalizations and overwhelm our health system, and consequently, lifting of restrictions will be delayed.” ayon kay Vergeire.

Samantala, target din ng DOH na simulan na ang pagpaplano para sa booster doses ng bakuna.

Pero maisasagawa lamang ang rollout nito ayon sa DOH kapag may matibay nang ebidensya na magbibigay ng dagdag na proteksyon ang booster shots.

Ayon sa DOH, mayroon pa lamang 12 bansa sa mundo ang nakapagsimula na mag-administer ng booster shots.

Kabilang sa binibigyan nila ng booster shots ay ang mga nakatatanda at immunocompromised population groups. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *