Pagbabakuna ng 2nd dose ng Sinovac sinuspinde sa Valenzuela City dahil sa kakulangan ng suplay
Suspendido muna an second dose vaccination ng Sinovac vaccine sa Valenzuela City dahil sa kakulanga ng suplay ng bakuna.
Ayon sa abiso ng Valenzuela City local government, bunsod ito ng pagkakaantala ng pagdating sa bansa ng mga dagdag na suplay ng Sinovac vaccine.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ipagpapaliban muna ang pagbabakuna para sa mga nakatakdang tumanggap ng 2nd dose ng Sinovac sa lungsod mula Lunes, July 12 hanggang Linggo, July 18.
Batay sa guidelines ng DOH, maari pa rin namang mabakunahan ng 2nd dose kahit na umabot ng 3 hanggang 6 na buwan ang pagitan nito mula nang tanggapan ang unang dose.
Sa sandaling dumating ang dagdag na suplay ng mga bakuna, agad tatawagan o ite-text ang mga naka-schedule na tumanggap nito.
Tuloy naman ang pamamahagi ng 2nd dose para sa mga nakatanggap ng first dose ng AstraZeneca, Pfizer, at Moderna.