Pagbabakuna laban sa tigdas sa mga kabataan sa Maynila, patapos na
Malapit na matapos ang measles vaccination sa Lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila Health Department o MHD, umaabot na sa 81.6 percent ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity sa lungsod nang simulan ang pagbabakuna sa tigdas noong Pebrero a-uno.
Sa loob ng 9 na araw, 114,936 na bata na ang nabigyan ng bakuna laban sa tigdas.
Ayon kay Dr. Arnold Pangan, ang pinuno ng MHD, sa Metro Manila, sa ngayon Pebrero 11, ang Maynila ang may pinakamataas na bilang ng batang nabakunahan laban sa tigdas.
Nagpapasalamat si Dr Pangan sa MHD dahil sa dedikasyon at kooperasyon ng lahat ay naging mabilis at episyente ang measles vaccination.
Sa susunod na linggo aniya ay target ng MHD na bakunahan ang natitirang 25,890 na kabataan sa lungsod.
Layon din ng MHD na makumpleto ang “Chikiting Ligtas sa dagdag bakuna kontra Tigdas at Rubella” program bago pa maranasan ng bansa at ng buong mundo ang covid 19 pandemic.
Ang pagbabakuna laban sa tigdas ay pinatutupad sa buong bansa sa koordinasyon Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), UNICEF, RELIEF International, Healthy Philippines at mga local government unit.