PAGASA nagpalabas na ng La Niña advisory; mas madalas na pag-ulan mararanasan sa huling bahagi ng taon
Nagpalabas na La Niña advisory ang PAGASA at sinabing mayroong 75% na tsansang makaranas ng La Niña sa bansa.
Ayon sa PAGASA, sa huling bahagi ng taong 2020 ay maaring makaranas na ng mas madalas na pag-ulan.
Batay sa inilabas na La Niña advisory, mayroon nang presensya ng La Niña sa tropical Pacific.
Sa rainfall forecast ng PAGASA, mula Oktubre 2020 hanggang sa March 2021 ay makararanas ng above normal rainfall conditions sa malaking bahagi ng bansa.
Sinabi ng PAGASA na ang mga pag-ulan na maidudulot ng bago ay maaring magresulta sa pagbaha o landslides.