Pag-iral ng number coding suspendido pa din

Pag-iral ng number coding suspendido pa din

Nananatiling suspendido ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila.

Inanunsyo ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw ng Lunes (Feb. 1).

Ayon sa MMDA, habang nananatiling nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at isinasaayos pa ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan ay suspendido muna ang number coding.

Samantala, tuloy naman ang pagpapairal ng modified number coding sa Makati City.

Ang mga sasakyan na mayroong sakay na 2 o higit pa ay exempted sa number coding. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *