Pag-iral ng “No Beep Card No Ride Policy” sa EDSA Busway sinuspinde ng DOTr

Pag-iral ng “No Beep Card No Ride Policy” sa EDSA Busway sinuspinde ng DOTr

Nagpasya ang Department of Transportation (DOTr) na suspindihin muna ang pag-iral ng “No Beep Card No Ride Policy sa EDSA Busway.

Kasunod ito ng hindi pagpayag ng AF Payments, Inc., na huwag maningili o ibigay ng libre sa mga pasahero ang Beep Card.

Ang AF Payments ang kumpanya na provider ng automatic fare collection system (AFCS) sa EDSA Busway.

Sa pahayag ng DOTr, tumanggi ang kumpanya na i-waive ang bayarin sa beep card sa kabial ng apela ng pamahalaan.

Ayon sa pahayag ng DOTr, simula bukas, Oct. 5, 2020 suspendido na muna ang mandatory na paggamit ng beep cards sa EDSA Busway.

Ang mga mayroon na o nakabili na ng beep cards ay maaring ipagpatuloy ang paggamit nito.

Ia-accommodate naman ang cash payment para sa mga walang beep cards. (END)

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *